Pages

Sentimyento De Lucas

Ngayon ko lamang naintindihan, ang nangyayari sa ating bayan,
lubos kong inaalala ang bakas ng nakaraan.
malaking pagka-kaiba ang nabuo sa aking isipan
ako'y napailing at tumugon na " Sayang naman".

Anong Silbi ng demokrasya kung ang kapalit ay gutom?
sisikdo-sikdong sikmura at sa droga ay nagumon.
mga opisyal ng gobyerno na sa upuan ay mga maton,
iilan lamang iyan mula sa aking obserbasyon.

Sandalan ng mga mamamayan ang mga pulis at sundalo,
ngunit tila sa ngayon kinatatakutan na ang mga ito.
mga pobreng pilipino saan na kaya sila tatakbo?
kumakalat sa lansangan masunod lamang ang gusto.

Samo't saring reklamo sa radyo at telebisyon ay maririnig,
kanya-kanyang hinaing, ibat-ibang mga tinig.
nakakalito na nga kung minsan kung saan ka ba papanig,
ay sus naman giliw! hindi kanais-nais sa pandinig.

Sa aking pananaw... ibalik ang parusang kamatayan,
upang ang kriminalidad at korapsyon ay maibsan.
subalit ito'y kakaiba at bago sa ating lipunan,
tiwaling opisyal ng gobyerno lamang ang ipipila sa bitayan.

ngunit ito ay malabong ipatupad at maging isang batas,
sino ba naman ang mag gigisa sa sariling niyang katas?
habang tayo ay nabubuhay ipanalangin na lamang sa itaas,
na maging payapa ang mahal kong pilipinas hanggang wakas...

0 comments:

Post a Comment