Pages

Balik-Tanaw

Pebrero beinte sais nang si apo ay umalis,
ika nga ng isang awitin na tila umuusig at nang-iinis.
simula ng demokrasya kaya sa EDSA nalihis,
layuning masugpo ang diktador at sa upuan ay maialis.

Iyan ang layunin ng mga elitista sa EDSA,
sa pakiwari ko'y nabigo lamang sila.
nawala man si apo sa upuan at pwersa,
kapalit nito'y malawakang pagnanakaw at matinding pagdurusa.

Ano ang nangyari sa pakikipaglaban kuno?
matapos mabawi ang mga negosyo ng namuno.
kaawa-awa naman ang maliliit na palalo,
walang nakamtan kundi matamis na pangako.

Ano na tayo ngayon mula sa nakalipas?
walang sinoman sa atin sa paghihirap naka-alpas.
kaban ng bayan marami na ang nagwawaldas,
nasaan na ang demokrasya mong sa busabos nag wakas.

Ibang-iba ang kasalukuyan kung ihahambing sa nakaraan,
iyong mababalik-tanaw ang progresibo at katanyagan.
angat sa iba ang ating inang-bayan,
lubos kong sasariwain ngayon magpa-kailanpaman.

Dumating na sana ang panahon na tayo ay magising,
sa katotohan na matagal na nating adhikain.
pagtulong sa kapwa magandang bayan ang naisin,
ang "BANSANG PILIPINAS" ay ating pakamahalin.

0 comments:

Post a Comment