Pages

Chatrum



Likas nga naman ang kaisipan ng nilalang...
lubhang sagrado at kapaki-pakinabang.
Minsan ang kalungkuta'y nagagawan ng paraan,
sa isang teknolohiyang ating nalalaman.

Marami na ang tumangkilik saan mang panig ng mundo,
pinilit ipaglapit ang damdamin ng bawat tao.
sinong tanyag kaya ang tunay na maimbento,
ako'y lubos na humahanga sa angkin niyang talino.

Bawat isa ay may ngiti sa labi,
habang kahulilip ang kanyang tinatangi.
walang patlang ang oras ng mga pagbati,
sumasayaw, umaawit kung minsa'y nagtatalumpati.

Aksyon, komedya at drama kadalasang makikita,
hanggang sa Pag-ibig,at masidhing pagnanasa.
Subalit mayroon ding hindi kagandahang eksena,
ang laglagan, apakan at halayan sa tuwina.

Hindi lang lahat sa net umiikot ang mga kuwento,
kung minsa'y personal, sama-samang grupo.
hindi dahilan, kung ang bawat isa ay magkakalayo,
sa kasulok-sulukan ng mundo tayo ay magtatagpo.

Suliranin mo kung minsa'y mawawalay,
Dahil sa tambayang ligaya'y walang humpay.
Teknolohiyang sa mga OFW bumubuhay,
Halika na sa CHATRUM at tayo'y tumambay.

0 comments:

Post a Comment