Pages

Para sa iyo Maestro




Hinubog mo ang kaisipan ng sinoman sa iyong musika,
Isang huwaran at inspirasyong sa'yo makikita.
di mawawaglit sa aming isipan ang iyong kontribusyon,
mananatili ka sa aming mga puso habang panahon.
himig mo ang aming pag-asa sa hinaharap,
isa kang sining, idolo at isang pangarap.

Isa ka sa bituin ng ating bandila,
taas noong tinitingala hinahangaan ng madla.
lubusan ang pagdadalamhati sa iyong pag lisan,
subalit ang iyong mga iniwang tinig ay mananahan.
dahil sa iyong mga himig mababakas ang mga ngiti,
sapagkat sa iyong awit kalungkuta'y mapapawi.

Hindi lang sa akin nagmula ang ganitong tanuran,
marami na ang humanga at yan ang aking napatunayan.
Iisa lang ang nais mong ipahiwatig sa mundo!
kapayapaan, kaunlaran at ipagmalaki na ikaw ay isang tunay na pilipino.
dahil iilan lamang ang taong makata't makabayan,
kahalili ni Francisco Baltazar ang iyong pangalan.

Huling paalam para sa iyo Maestrong kapitag-pitagan,
salamat sa ala-ala yan ay aking iingatan.
di mababakas sa akin ang anomang lungkot,
sapagkat ang instrumento mo ang tangi kong isasagot.
lumipas man ang panahon... na sa akin ay nasusulat,
Pangako... ipamamana ko ito sa sinomang mamumulat.

0 comments:

Post a Comment