Ang Pinoy nga naman ay sadyang mapagmahal,
Ang puso't damdamin ay wagas at natural.
Magpakahirap, magpaka- tanga, magdarasal,
Na sana'y dinggin mo, at huwag sanang magtagal.
Ngunit sa paglipas ng panahon, Ako ay napatigil, napaisip ng malalim,
Uso pa ba ito, o nilipas na ng hangin.
Ang panunuyong matapat, ang pag- ibig na wagas at taimtim.
hahamakin ang lahat na ikaw ay mapasa-akin.
Sapagkat, nakikita ko sa mga babae ngayon,
Ibang klase ng panunuyo ang kanilang hinahabol.
salapi, bisyo, disco, at sekswal na imahinasyon,
Ika nga, di baleng pangit ang lalake, basta ang bahay ay marmol.
Hindi na ba natin naisip kung anung tunay na nangyayari,
Pag- ibig na sana'y dapat sagrado, ngunit ginagawa lamang palengke.
paiibigin ka gamit ang mala-salamangkang diskarte,
makalipas ang sandali iiwanan kang bangkarote.
Kung maibabalik ko lamang ang tamis ng nakaraan,
pag-ibig na wagas ay aking ilalaan.
ibibigay ang aking puso magpakailanpaman,
para lamang sayo, pag-ibig hanggang libingan.
Ano kaya sa atin kung ang pag-ibig ay alisin?
dahil sa pag-abuso at pananamantala natin.
igawad ng sapat ang tunay na hangarin,
upang ang pag-ibig mo at pag-ibig ko huwag ipagkait sa atin.
likha mula kina: LUCAS-PEROMZ
0 comments:
Post a Comment