Ang Pilipinas ay binubuo ng Pitong libo at isandaang mga pulo,
ang sino man ay maliligayahan dito kahit saan mang dako.
angking kagandahan ay maipagmamalaki sa buong mundo,
likas ang mabuting kaugalian at kulturang Pilipino.
Kaakit-akit sa mata ng mga dayuhan,
kaya't marami sa kanila ay dito na naninirahan.
payapa at mabuting pamayanan,
magandang klima sila'y ang kariktan.
Ngunit isa lamang ang pinagtataka ko,
nangingibang-bayan ang mga pilipino.
tila sila ay hindi naku-kontento
ano pa ba ang kulang sa bayang ito?
Sakripisyo, kapalit ang magandang pamumuhay,
iiwanan ang pamilya para sa magandang buhay.
dugo at pawis ay kanilang inaalay,
lakas ng loob at Panginoon Diyos ang gabay.
Hindi lahat ay nakauwi ng may ngiti,
mayroon din namang nakabalik ng sawi.
iilan lamang iyan sa kwento ng mga bayani,
para sa pamilya at bayan kanilang minimithi.
Hindi na alintana ang pagod at hirap,
upang makaraos lamang sa dinaranas na paghihirap.
makatulong sa pamilya at makakain ng masarap,
luha at lungkot, pag-asang ngiti sa hinaharap.
Kababayan natin na tinaguriang OFW,
ano ba sila para sa iyo?
masalimuot o masaya ang kanilang kwento,
ano pa ba ang maitutulong sa kanila ng gobyerno?
Ano ba ang dahilan ng kanilang pag alis?
sa hirap ba ng buhay hindi makatiis?
iyan ang dahilan na tumatak ng labis,
maka-ahon sa pagkakautang ng mabilis.
Programang hanap buhay para sa mamamayan,
sapat na kita, sa mga pilipino ilaan.
mga bagay na lagi sanang tandaan,
upang di lumisan sa sariling bayan.
0 comments:
Post a Comment