Pages

Nilamon ng Teknolohiya

Saan ka man magmasid, ano ang iyong masasabi?
wala na yatang naiwanan maliban sa mga pulubi.
liwanag sa lansangan maningning na gabi,
makabagong likha malaya mong matatangi.

sumisirko at nakikilala sa buong mundo
mga likhang katuwang ng mga tao.
makabuluhan at kakaibang instrumento
anong bagay pa kaya ang wala nito?

Ang mundo ay binabalot ng teknolohiya
teknolohiyang nagpapagaan sa ating industriya.
mabangis ngunit hindi natin alintana,
ang ganti at mabagsik na tadhana.

magandang tuklas para sa mga mortal
ngunit sa kalikasan ito ay imoral.
sinisira nito ang yamang natural
sa munting paramdam nito ay tila nangangaral.

Hindi nman siguro alintantana ang ating nararanasan
abnormal na klima ay ating nararamdaman.
lamig, init, lindol at minsan ay ulan,
iilan pa lamang iyan sa atin ay ipinaramdam.

Sanhi ng kapabayaan at kadalasan ay pang-aabuso,
wala man lang pakialam sa galaw ng mundo.
basta't ang tao ay mayroong makabago
lalamunin ng teknolohiya gugunawin ang mundo.

0 comments:

Post a Comment