Ang musika ay parte ng buhay ng tao
malayang ipinahihiwatig ang damdamin nito.
maingay o sentemyento ang himig o tempo
sa saliw ng musika nabubuhay ang mundo.
Naaalala ko pa noong ako ay musmos pa lamang
ako ay nagagalak sa tuwing napakikinggan.
tila ako ay nasa isang duyan
inuugoy ng hangain na sanay walang hanggan.
Dumating ang araw lumaki at nagbinata
natutong umawit tumugtog ng gitara.
wari isang ibon na umaawit sa tuwina
sinasariwa ang makabayang musika.
Lumipas ang panahon nagbago ang uso
tila nalimutan ang awiting pilipino
Lubhang tinangkilik ang awiting makabago
hango sa banyaga, ikinalungkot kong totoo.
Nasaan na si Maria Cafra, Juan Dela Cruz at Sampaguita?
Si Freddie Aguilar at Bagong Lumad ni Ayala?
Banyuhay ni Heber, Florante pati si Coritha?
Awiting maka-Pilipino hinahanap-hanap ng masa.
Hindi na sana maging huli ang aking maestro Magalona
maging sa pagyao bayang pilipinas ang inuna.
Sariling wika, makabayang mga kanta
huwag sanang ipagpalit sa awitin ng iba.
Ika nga ni Mike Hanopol ang litanyang ito
"Subukan n'yo naman, ang awiting Pilipino
tulungan n'yo naman,
mahabag kayo sa ating bayan."
Kailanman hindi magbabago
sa tulong nating mga pilipino.
ating tangkilikin, at ating damhin
awiting pilipino para sa bayan natin.
0 comments:
Post a Comment