Pages

Bawal na Pag- Ibig

Sa mundong ibabaw na ating ginagalawan,
laging saksi ang araw pati na ang buwan.
ibon man maligayang nagliliparan,
sa ihip ng hangin tila sila'y nag- aawitan.

Kahalintulad din sa kuwento ng isang pag-ibig,
habang naglalaon lalong naghuhumintig.
nasasabik kapag nawalay kahit isang saglit,
ito ang tunay at wagas na tinatawag na pag-ibig.

Ang halimuyak mo'y tagos sa aking balintataw,
sa tuwing kasama ka wari'y nauuhaw.
tuwang nadarama sa tuwing tayo'y magkaulayaw,
tigib sa kaligayahan kapag kapiling ay ikaw.

Isa ka mang dahong tuyo na nahulog sa siga,
aking kasabikan sa iyong usok nag mula.
aking suliranin panandaliang nawawala,
tanglaw sa kadiliman habang ako ay tulala.

Munting bato na dumaloy sa batisan,
ibig niyang gumulong sa tuwing naiinitan.
ganyan kaming tunay na nagmamahalan,
halik sa bawat sulok tumatagal magdamagan.

Bakit kaya iba ang nadaramang pagmamahal?
ako'y nahihilo katawan ko ay nangangatal.
iba ang takbo ng isip habang nagtatagal,
Huwag sanang tularan ang pag- ibig kong hangal.

0 comments:

Post a Comment