Pages

Ang Pinuno

Ako ay may kwento mula sa aking lolo,
isa siyang tulisan na ang hangad ay pagbabago.
alintana niya ang kurapsyon at gulo,
kaya ninais niyang sumuko at hinangad na maging pangulo.

Siya ay nilait at pagkatao'y inalipusta,
siya daw ba ay hangal o nananaginip lamang ba.
sa gubat lang daw nakibaka ano ang alam niya,
ito'y kanyang hinarap ng walang pangangamba.

itinakda ang panahon ng malawakang kampanya,
bangkang de sagwan ang tanging gamit nya.
dinayo ang kapuluan sa buong probinsya,
ngunit walang kasiguraduhang magwawagi siya.

Plataporma ay inihayag sa mga kababayan,
siya daw ba ay baliw ika ng mga kalaban.
ikaw ay isa lamang tulisan!
na nag a-ambisyon, maging pangulo ng bayan.

Nagdaan ang bilangan at ang pobre ay nagwagi,
taimtim na panalangin nausal ng kanyang labi.
ito na ang panahon sa diyos ay hiningi,
mapaglingkuran ang bayan tangi niyang mithi.

naging payapa ang pamayanan at patuloy ang progresibo,
naakit ang mga dayuhan, ipinagmalaki sa mundo.
ito ay dahil lamang sa isang pobreng makatao,
"pagmamahal sa bayan aking napagtanto".

Naalala ng pobre ang wika ng mga kalaban,
"isang hamak na tulisan naging pangulo ng bayan"
ang pobre ay nangiti at ito'y inawitan,
"mas mainam na ito... kaysa sa pangulo na naging tulisan.

0 comments:

Post a Comment