Pages

Karimlan



Salin-saling mga lahi, nag-iisang lipi.
di nawawari, ibat-iba ang minimithi
masalimuot na pamumuhay ang nais mapawi,
subalit malupit ang mundo kaya't laging sawi.

Di mo man sabihin, akin ding nadarama
atin mang paligid minsay ay iba-iba
sa ikot man ng buhay, di ka ba nagtataka?
pilit mang umahon, bigo parin kapagdaka.

Ano ba ang mayroon sila na wala sa amin
Taguri sa ami'y busabos, at walang sasapitin
sana maramdaman naman ang ihip ng hangin
kahit saan man dako, pilit kong hahanapin.

Lugmok na ang kapalaran, sa tamis na mga pangako
pangakong walang katapusan, sa lipunan itinatago.
di na bago, ang usapin na ganito
sa telebisyon at radyo maging sa peryodiko.

mabago man ang liderato... kahirapa'y sumpa parin.
sinong makapagtatawid? yan ang aking panalangin.
sa mga bagong henerasyon di na sana danasin
upang ang KARIMLAN ay hindi na sapitin.

0 comments:

Post a Comment