Panaghoy
Tayo'y lubusang pumapalaot sa mundo ng kakulangan
Kakulangan na sa ating mga pilipno'y nagudulot ng kahirapan
pagod na si juan dela cruz sa pagsirko ng ating kabuhayan
sinasabayan pa ng maraming intriga at mga katiwalian.
Para sa akin... Hindi kailangan ng pagbabago...
higit na kailangang tunay ang maka-pusong pilipino
suya na ang sambayanan sa mala-paraisong mga pangako
na pawang mga huwad na payaso ang aming napagtatanto.
Mga tulad kong pobre ay gipit na sa hinaharap
umaasa na lamang sa kitang hindi sumasapat
nararanasan kaya ng mga payaso ang ganitong pamumuhay?
na kulang na lamang mag pawis ng dugo at mag buwis ng buhay.
Ano mang kahirapan ika nga ay kayang-kayang alpasan
huwag lamang pong alisin ang kakarampot na karapatan.
dahil sa aming mga maralita yan lamang ang iniingatan
paano pa kaya? kung kamkamin ng hindi inaasahan.
Sa panahon ngayon ano pa kaya ang mauuso?
mga buwitreng naglipana, mga nag papaaliping sundalo.
sa ganyang sakit di naiiba ang gobyerno
lahat ipinagbabawal, maliban lamang sa kasosyo.
Walang katapusang hinagpis at hayagang diskriminasyon
na sa aming mahihirap ay wala man lamang tumutugon.
pilitin mang umahon lugmok parin sa pagkabaon
dahil ang pamunuan ang prayoridad ay korapsyon.
Pantay na pagtrato ngunit mag kaiba ng estado
tila iba ang nangyayari't lalo pang inaabuso
nasubukan mo bang mabilanggo ng walang kaso?
yan ang demokrasyang bumabalot sa mga pobreng pilipino.
May hustisya nga, piring naman ang isang mata
Hindi makarinig tanglay ang dalawang tenga
paano mo isisigaw ang damdamin mo sa tuwina?
walang habas na ipinagkakait ang karapatan at pag-asa.
Pilipino ka ba sa iyong pakiramdam?
anong ligaya ang dulot habang ika'y nasa upuan?
mahirap kami! ngunit hindi kami mangmang!
magpakaligaya ka na! panahon mo ri'y may katapusan.
0 comments:
Post a Comment