Pages

Salamat Pedring

Salamat Pedring ay isang gunita,
ang iyong pangalan ay nagdulot ng baha.
buong gitnang luzon sa iyo'y nabigla,
hindi inaasahan ang iyong pakawala.

Ito'y naging aral sa bawat Pilipino,
higit na sa bayan ng mga Bulakenyo.
handang magpunyagi, makaalpas sa delubyo,
sa trahedyang ito, magkapit-bisig tayo.

Ayaw nilang akuin ang mga pagkukulang,
pikit matang manhid sa mga bayang nakalutang.
ano pa ba ang papel ninyo! sa mga mamamayan?
magnanakaw? magsisilbi? o dili kaya'y magtatanga-tangahan na lamang?

Dagsa ang tubig ngunit salat sa inumin,
iyan ang tinatangis sa may bandang bukirin.
sila ang mga residente na dapat sagipin,
walang dumating na tulong umabot man ang dilim.

Isa itong pagmulat para sa atin na mismo,
huwag lamang umasa sa kilos ng ating gobyerno.
magkusang kumilos upang huwag magkaganito,
salamat sa iyo pedring at kami ay natuto.